Bakit Kailangang Balutin ang Karne sa Foil o Butcher Paper?

Isa sa mga madalas na tanong sa amin ay kung bakit kailangan balutin sa foil o butcher paper ang karne na pinapausukan. Yan din ang aming tanong noong una at kung puwede ba na hindi na balutin pa. Maaari naman na hindi na, pero may mga bagay na magbabago habang nakasalang ang walang balot na karne. Ang foil kasi ay nagiging dahilan para mapabilis ang pagluto ng karne dahil sa naiipong init sa loob ng pagkakabalot, kaya kung hindi ito gagamitan ng foil ay maaaring humaba ang oras ng inyong pagluluto. Isa pa sa nagagawa ng pagbabalot ay napoprotektahan nito ang karne na masobrahan sa usok, na hindi na kaaya-aya sa panlasa ng kakain. Bukod sa dalawang dahilan na iyon, ang pagbabalot sa foil o butcher paper ay tumutulong din na mapanatili ang moisture ng karne at mabawi niya ang mga katas na nawala mula sa mahabang oras sa init sa loob ng smoker.

Leave a Reply

Discover more from BarrelPro

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading